Extended Enhanced Community Quarantine ; Rant from an Anxious Mom



         Today, April 24, 2020, Our President Rodrigo Duterte announces the extension of Enhanced Community Quarantine until May 15, 2020, to stop the spread of COVID-19 in Metro Manila,
Central Luzon and Calabrazon.

         Right now lahat tayo ay nasa mahirap na sitwasyon. Natigil ang mga hanapbuhay, Negosyo at pag kaka kitaan. Kulang ang panggastos para sa pangangailangan ng pamilya, hindi lahat maraming ipon sa banko. Hindi rin lahat nabibigyan ng ayuda ng gobyerno.
At kahit naman mismong gobyerno nahihirapan na rin. Marami pa sa atin na walang ibang alam gawin kundi mambatikos.

         In this kind of situation, we can't help but to feel anxious. Saan na kukuha ng pang gastos sa mga susunod na araw. Walang trabaho, saan tayo kukuha ng pambayad sa mga bills sa kuryente, tubig at internet. At habang patagal ng patagal ang ECQ, kung may mga natabi man tayong pang gastos, paubos na ng paubos. Kung may mga relief goods man tayong natanggap, nauubos na rin.
Hindi kami mayaman. Simpleng mang gagawa lang ang aking asawa at ako ay isa lang may bahay. Walang trabaho, may mga raket pero balewala din sa ngayun.

          Bilang nanay, kung iisipin ko lahat ng bayarin at mga pangangailangan ng pamilya ko, wala rin ibang sulusyon kundi ma lift na ang ECQ at makabalik na sa paghahanap buhay. Pero hindi ko rin naman gugustuhin na bumalik sa dating gawi habang ang mga kaso ng may sakit na COVID-19 ay pataas pa rin ng pataas. Ngunit paano naman kami kakain, paano ang pangbili ng mga pangangailangan kung walang trabaho at walang sahod. Minsan nahihirapan ako matulog sa gabi kakaisip sa sitwasyon at sa mga darating pa sa hinaharap.

          Marami ang ayaw na ma extend ang ECQ pero wala naman tayong choice. We have no choice, pero may magagawa naman tayo. Sumunod nalang muna tayo, Iwasang lumabas kung di naman kinakailangan, lumabas lang kung bibili ng pagkain at gamot. Wag na tayo tumambay salabas para makipag kwentuhan sa kapitbahay. Mag suot ng mask kung mamamalengke, kung galing naman tayo sa labas maghugas ng kamay magpalit ng damit at kung maari maligo bago tayo makihalubilo sa ating pamilya. Sumunod tayo sa payo ng gobyerno. Hindi para sa Gobyerno kundi para na rin sa sarili naten at sa ating pamilya. Yung simpleng pag sunod naten at pag stay sa bahay, malaking tulong na yun para ma prevent ang pagkalat ng virus. Simpleng, pag suot ng mask paghuhugas ng kamay at pag a alcohol, makaka tulong para makaiwas tayo at ang pamilya naten sa virus. Yung pagsisiguro naten na hindi tayo mahawahan at magkasakit, malaking tulong sa ating kumunidad. Wala pang lunas ang Covid-19, pero kung hanggat maari mapigilan naten ang pag dami ng kaso ng mga nagkakaroon nito, atleast kahit papano magiging kampante tayo.

            Sa ngayun wala naman tayong magagawa kundi mag kaisa, at Magdasal sa Panginoon, Manalangin tayong Iligtas nya ang buong mundo at matapos na ang Pandemic na ito. Mag pasalamat tayo na nakakaraos tayo a araw araw. at ihingi na rin naten tawad ang ating mga kasalanan. Maging positibo lang tayo sa buhay kahit nasa gitna tayo ng negatibong sitwasyon... pasa saan ba at matatapos din ang lahat ng ito.

I just want to keep my self busy that's why I wrote a short blog today. I will try to write more in the next coming days. Plus I am working on a blog about my Lap Chole surgery... It will be up soon. 

Comments

Popular posts from this blog

iWhite Korea Bb holic everyday BB cream

Plains and Floral : Summer Nail Art